61
randolph
Jun 17, 2018 @ 17:15
By

Utol ni NBA All-Star Zach Randolph, dedo sa bar shooting

Pumanaw ang kapatid ni Sacramento Kings’ forward Zach Randolph nang mabaril ito sa tapat ng isang bar sa Indiana city, hometown ng magkapatid, nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas).

Ayon sa awtoridad, nakarinig ng ilang putok ng baril ang isang pulis at nang rumesponde, nakita ang duguang katawan ni Roger Randolph (35-anyos) sa gitna ng dalawang sasakyan sa labas ng Hop’s Blues Room.

May nakaalitan daw sa loob ng bar si Roger na dati na ring nakulong ng tatlong taon noong 2004 dahil rin sa pakikipagbarilan nito sa isang nightclub.

Magkasama pa ang dalawang magkapatid noong mangyari ang insidente at ipinatawag ng awtoridad si Zach para maibahagi ang kanyang nasaksihan.

Kilala si Randolph bilang two-time All-Star kung saan kumakamada ng 16.6 puntos at 9.1 rebounds sa 17 taong paglalaro sa NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?