36
DOLE - silvestre bello
Oct 13, 2021 @ 17:59
By

Utol ni Bello tatakbong senador; palitan posible

Inamin ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na naghain ng certificate of candidacy (COC) ang kanyang kapatid para senador.

Noong Sabado ay humabol sa huling araw ng filing ng COC ang isang Silvestre Bello Jr. sa ilalim ng PDP-Laban.

Kinumpirma naman ng kalihim na kapatid niya ito.

“Kapatid ko ‘yun, hindi ko naman sya mapigilan,” pahayag ni Bello.

Bukod dito, inamin pa ng kalihim na posibleng palitan niya ang kapatid.

“Nandyan ang possibility, that’s a possibility, kasi depende nga talaga kung ano, what will be good for our country,” aniya.

Ang Labor Secretary ay kabilang sa mga nakalistang pangalan sa senatorial slate ng PDP-Laban Cusi faction.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?