ABANTE-TNT patay hit and run dead roxas
By

Utol ng kagawad patay, 1 pa kritikal sa ambush sa barangay

Sharing is caring!

Nasawi ang isang lalaki habang agaw-buhay naman ang isa pa, kabilang ang kapatid ng isang kagawad matapos tambangan ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa tapat ng barangay outpost sa Navotas City kagabi.

Sa ulat ng Navotas City Police, alas-9:20 ng gabi nangyari ang krimen sa barangay outpost ng Barangay San Jose, Navotas City na matatagpuan sa kanto ng Gulayan at Gov. Pacual Streets.

Nagkukuwentuhan ang mga biktimang sina Romeo Tudilla, 56, negosyante, may-asawa, at Norman de Guia, 51, driver, na kapatid umano ng isang kagawad sa kanilang barangay na si Boyet de Guia, nang dumating ang mga suspek at pinaulanan sila ng bala.

Agad tumakas ang mga suspek patungong C4 Road habang isinugod sa Navotas City Hospital ang mga biktima ngunit patay na si De Guia.

Inilipat naman sa Manila Central University Hospital si Tudilla na kritikal ang kondisyon ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?