530

By

Utang na abot P6.6M kay Luisito Espinosa, pinapabayaran na ng Korte Suprema

Makalipas ang 23 taon, makukuha na ng dating two-time world champion na si Luisito Espinosa ang bayad para sa kanyang naging 1997 World Boxing Council (WBC) featherweight championship match kontra kay Carlos Rios sa Koronadal, South Cotabato.

Sa inilabas na resolusyon ng Korte Suprema na may petsang Nobyembre 13, 2019, pinagbabayad ang mga naiwan ni dating boxing promoter Rodolfo Nazario ng abot sa $130,349 (P6,637,371.08) maging anim na porsyentong interes mula May 26, 1998 para mapanagot sa mga pagkukulang kay Espinosa.

Ang resolusyon ay nag-ugat sa complaint for sum of money na hinain ni Espinosa laban kina Nazario at kapwa boxing promoter nito na si Joselito Mondejar, maging sa dating South Cotabato Provincial Governor na si Hilario de Pedro III.

Huling balita kay Espinosa ay nagtatrabaho ito bilang boxing trainer sa Everlast Fight and Fitness sa Hong Kong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?