227

Nov 15, 2021 @ 18:09
By

Utak sa private flight ng mga Dargani kakalkalin ng senado

Hahanapin ng Senate blue ribbon committee ang mga dokumento patungkol sa private flight na dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na nagtangkang tumakas sa bansa noong Linggo.

Sa liham na ipinadala ng komite sa pangulo ng Globan Aviation Corp. na may petsang Nobyembre 15, hiniling nito na humingi ng kopya ng flight request, manifest, contracts, kung sino ang nagbayad at lumagda ng dokumento para sa biyahe ng dalawang opisyal ng Pharmally.

Inaresto ng Senate security personnel sina Mohit at Twinkle Dargan isa Davao City Airport noong Linggo ng hapon ilang minuto bago lumipad ang sinasakyan nilang eroplano.

Batay sa liham, nakatakdang umalis ang eroplano sa Davao City airport noong Linggo ganap na 4:30 ng hapon at darating sa Kuala Lumpur, Malaysia alas-8:00 ng gabi.

Nasa kustodiya na ng Senado ang magkapatid ng Dargani. Sila ang mga executive ng Pharmally na inimbestigahan ng Senado dahil sa diumano’y iregularidad sa pagbili ng gobyerno ng P8.68 bilyon halaga ng pandemic medical supply noong nagdaang taon.

Noong Oktubre 19, na-cited for contempt ang magkapatid na Daragani dahil sa pagtanggi nilang magsumite ng financial document na may kinalaman sa ginagawang pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?