58
handcuffed2
By

Utak sa pagpatay ng OFW sa Lipa, Batangas nadakip na

Sharing is caring!

Hawak na ngayon ng mga tauhan ng CALABARZON PNP ang mga suspek sa pagpatay sa isang Overseas Filipino Worker (OFW)sa Lipa, Batangas.

Ayon kay CALABARZON Regional Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, mismong ang asawa nang biktimang OFW na si Danilo Henson Teruel ang utak sa krimen.

Kasabwat ng suspek ang kanyang umano’y lover na kinilalang si Roel Dinglasan Guico.

Batay sa mga pahayag ng testigo, ilang araw bago dumating sa bansa ang biktimang OFW ay ilang beses nilang nakitang kausap ni Roel Guico ang gunman.

Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin ng mga pulis. Sasampahan sila ng kasong murder.

Mayo 19,2018 nang gabi nang pagbabarilin ng suspek ang biktima pagdating nito sa kanyang bahay sa Brgy. Pinagkawitan, Lipa City mula sa ibang bansa.

Naitakbo pa ito sa ospital pero idineklara itong dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?