103

May 17, 2019 @ 12:08
By

Utak sa pagpapadala ng basura ng Canada, itapon sa dagat! – Lacson

Bumanat si Senador Panfilo Lacson sa isyu ng basura ng Canada na tinambak sa ‘Pinas at hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahakot pabalik.

Ito’y matapos sabihin ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na kanyang papabalikin ang mga ambassador at consul ng ‘Pinas sa Canada dahil sa hindi pagtupad sa May 15 deadline para kunin na ang basura,

“Hats off to Teddy Boy! National dignity is part and parcel of diplomacy. Allowing Canada to dump their toxic garbage here is submitting to their arrogance and misplaced superiority,” saad ni Lacson.

Ngunit ayon sa mambabatas, kulang pa ang pagbabalik ng mga consul at dapat aniya ay hanapin ang may pakana nito at itapon sa gitna ng dagat.

“Not enough though. Let’s find out who facilitated so we can dump them at sea halfway to Canada,” pahayag pa ng senador. (RP)

Nasa 60 pataas pang container ng basura ang hindi nakukuha ng Canada sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?