27

By

Utak ng pagsabog sa GenSan, timbog sa droga

Sharing is caring!

Naaresto na ang pangunahing suspek na utak sa naganap na pagpapasabog sa General Santos City kung saan nasa walo katao ang nasugatan makaraang ikasa ang buy-bust operation at inguso ang suspek na pangunahing suspek sa pagsabog sa Barangay Labangal, General Santos City.

Ayon sa tagapagsalita ng Police Regional Office-12, Supt. Aldrin Gonzales, nakilala ang suspek na si Jeffrey Panag Alonzo, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Lapu, Polomolok, South Cotabato.

Batay sa report, naaresto si Alonzo sa ikinasang drug buy-bust operation sa Polomolok, matapos makatunog na sabwat ito sa iligal na droga habang positibo ring nakilala ang suspek na utak sa naganap na pagpapasabog ng improvised explosive device (IED).

Matatandaang naganap ang pagsabog bandang alas-11:40 Linggo ng umaga, Setyembre 16, sa labas ng TGP Generic Pharmacy sa bahagi ng Crossing Makar sa Barangay Labangal na kung saan isang suspek umano ang naglagay ng bomba sa labas ng botika.

Matapos ang isinagawang follow up ay natukoy din ang suspek matapos ituro ng mga nakasaksi na si Alonzo ang naglagay ng bomba.

Nahaharap sa kasong multiple frustrated murder si Alonzo at kasalukuyang nakakulong sa GenSan detention cell. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?