26

Jun 15, 2020 @ 17:46

Utak ng notorious gang sa Bataan nalambat

Sinalakay ng Criminal Investigation and Detection Group ( CIDG) Bataan ang tirahan ng isa umanong notorious leader ng criminal group sa gilid ng tulay sa kahabaan ng Roman highway barangay Mambog, Hermosa, Bataan kahapon.

Batay sa report na ipinadala ni Major Christian Burgos, hepe ng CIDG Bataan, kinilala ang nadakip na si Elmer Napiñas; 29, na sangkot umano sa gun running at illegal drugs at leader ng notorious criminal gang.

Nakuha sa isinagawang pag-aresto sa bisa ng search warrant sa tirahan nito ang isang short firearm (cal. 45 pistol at mga bala, granada, teargas at magazine ng 9mm na baril.

Ang nasabing pagdakip na pinangunahan ni CIDG Bataan Deputy Chief, Police Capt. Alvin Caballes ay isinakatuparan sa bisa ng ipinalabas na search warrant mula kay Executive Judge Maria Lourdes Ignacio ng Bataan RTC Branch 5.

Katuwang din sa operasyon ang Hermosa PNP sa pamumuno ni Jeffrey Onde, EOD Bataan, PMFC Bataan, at PIB sa pamumuno ni Maj Galahad Taquiban.

Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng CIDG PFU Bataan. (Randy Datu)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?