56

Sep 28, 2021 @ 20:43
By

Utak ng nakawan sa Manila Bay nabitag

Nahuli ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police kagabi, September 27, ang sinasabing lider ng robbery group na nambibiktima sa Manila Bay.

Ayon sa report ng PCG, bandang alas-7:30 ng gabi nasakote si Mark Montilla sa Baseco Compound sa Port Area, Manila.

Kaugnay ito sa arrest warrant na inisyu laban sa kanya ng isang korte sa Maynila.

Siya umano ang lider ng Montilla Criminal Group at mastermind sa nakawan at sea robbery sa mga nakadaong na sasakyang pandagat sa Manila Bay Anchorage Area.

Nakumpiska naman ang iba’t ibang nakaw na gamit tulad ng mga welding machine at lubid mula sa mga kasabwat ni Montilla na kinilala lamang na sina Randy at Ruel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?