pacman6
By

Utak at hindi gigil, kailangan ni Manny

Sharing is caring!

Isang epektibong paraan lang ang kailangan ni Manny Pacquiao para maagaw ang WBA 147-pound belt ni Lucas Matthysse — utak!

Sa edad na patungo nang kwarenta (40), hindi kailangan ng eight-division champion na maging labis na agresibo o gigil sa pag-eensayo, kundi kailangan umanong maging mautak sa training.

Galing mismo ito sa kanyang strength and conditioning coach na si Justin Fortune. “We need to train smart and change the training shorter and smarter and much more precise movements,” sabi ni Fortune, kasama sa training team ni Pacquiao sa laban nito kay Jeff Horn noong isang taon.

Aniya, sobra sa training ang ‘The Pacman’ sa laban nito kay Horn at hindi dapat ito maulit kontra mas bata at mas agresibong Matthysse, 35.

“We were over trained a couple of weeks before the fight and he won the fight. The rest of the world knew that he won the fight,” dagdag nito.

Nakatapos na ng two-week training sa Wild Card Gym sa General Santos City si Pacquiao at dito na sa Maynila itutuloy ang ensayo habang dumadalo sa mga training session. Wala namang nakikitang problema rito ang head trainer na si Buboy Fernandez. “Disiplinado naman si Manny. Gusto ko lang sana maka-focus at mabawasan yung dumarating na tao tuwing traing namin,” sambit ni Buboy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?