51

Jan 11, 2020 @ 18:59
By

Utah wala pang talo pagdating ni Clarkson

Tila lucky charm ng Utah Jazz ang pagkakalipat sa kanila ni Jordan Clarkson.

Buhat nang kuhanin si Clarkson mula Cleveland Cavaliers noong Disyembre, wala pang bahid ang Utah Jazz, nakawalong sunod na panalo sapat para umangat sa fourth spot sa Western Conference sa 26-12 win-loss record.

Sa huling laban ng Jazz kontra Charlotte Hornets, si Clarkson ang naging top scorer sa nilistang 20 points, habang nanguna naman ang sentrong si Rudy Gobert sa 15 points, 13 rebound, six blocks output.

Umaalagwa din ng 16 points si Bojan Bogdanovic at naka-15 markers naman si Georges Niang para sa madaling 109-92 victory.

23 points naman ang binuhos ni Terry Rozier para sa Hornets, ngunit nakaapekto ang kanilang 21 turnover na nagresulta sa 24 points para sa Utah.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?