69

Mar 14, 2020 @ 15:14
By

Utah Jazz player nahawaan ng COVID-19 ang isang batang fan

Nagpositibo sa pandemic coronavirus o COVID-19 ang isang batang fan matapos itong magpa-autograph sa idol niyang NBA player.

Ayon sa ulat ng CBS Sports, ang hindi na pinangalang batang biktima ay mula sa Westerley, Rhode Island na isang elementary student.

Nangyari ang nasabing hawaan sa NBA game ng Boston Celtics at Utah Jazz nitong Marso 6, ilang araw matapos madiskubreng nagpositibo rin sa nasabing mikrobyo ang dalawang star player ng Jazz.

Matatandaang unang nagpositibo sa NBA si big man Rudy Gobert ng Utah Jazz. Ilang saglit lang ay sunod ding nadiskubreng positibo sa corona ang kakamping si Donivan Mitchell.

Sa report ay hindi tiyak kung kaninong player nakapitan ng mikrobyo ang paslit.

Sa ngayon ay tigil aksiyon muna ang mga laro sa NBA at sinundan na rin ito ng ibang liga gaya ng Major League Baseball at Premier League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?