27
Utah Jazz owner kampi kay Westbrook vs nambastos na fan
By

Utah Jazz owner kampi kay Westbrook vs nambastos na fan

Kinatigan ni Utah Jazz owner Gail Miller si Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook dahil sa pambabastos ng isang fan sa manlalaro.

Saad ni Miller, hindi dapat ganoon ang naging turing ng Jazz fan na pinangalanang si Shane Keisel kay Westbrook.

“I am extremely disappointed that one of our ‘fans’ conducted himself in such a way as to offend not only a guest in our arena but also me personally, my family, our organization, the community, our players and you as the best fans in the NBA,” ayon kay Miller.

Nag-fine na si Westbrook ng $25,000 dahil sa pagmumura sa fan.

Samantala pinarusahan naman ng lifetime ban si Keisel dahil sa nangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?