104

Dec 24, 2019 @ 16:47
By

Utah Jazz biningwit si Jordan Clarkson

Nakipag-deal ang Utah Jazz sa Cleveland Cavaliers para makuha si Jordan Clarkson.

Ayon sa ESPN report, pakakawalan ng Jazz ang kanilang guard na si Dante Exum at ang dalawa nilang second-round picks para kay Clarkson.

Umaasa ang Jazz na mapapalakas ni Clarkson ang kanilang bench scoring.

Ito ang kauna-unahang trade sa NBA simula nang maganap ang Houston-Oklahoma City deal sa pagitan nina Russell Westbrook at Chris Paul noong July 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?