11

Jun 11, 2021 @ 13:42

Utah Jazz 2-0 na! Clarkson, Mitchell sanib pwersa vs LA Clippers

Dalawang panalo na lang ang kailangan ng Utah Jazz para makasampa sa Western Conference Finals.

Ito’y matapos nilang gibain ang LA Clippers sa Game 2 ng semifinals, 117-111, nitong Huwebes (Biyernes, oras sa Maynila).

Sa first half pa lang ay sumiklab na si Jazz star Donovan Mitchell, nagbuslo ng 27 points sa kalagitnaan ng laro dahilan para maitarak ang 66-53 abante.

Ngunit pagsapit ng fourth quarter, nagsimulang makalapit ang Clippers at nakuha pa ang kalamangan, 101-99, sa bisa ng magkasunod na tres ni Reggie Jackson.

Ngunit nanatiling pursigido ang Jazz, muling nakuha ang kalamangan mula sa three-pointer ni Bogdan Bogdanovic mula sa pasa ni Clarkson.

Dito na nakuha ng Jazz ang momentum at muling naibalik sa double digit ang kalamangan.

Tumapos si Mitchell hawak ang 37 points, three rebounds at four assists, nakatulong sa kanya si Clarkson na kumamada ng 24 markers, 6 of 9 sa three-point land.

Nalimitahan naman si LA Clippers star Kawhi Leonard na pumuntos lang ng 21, may 27 points, 10 rebounds at six assists naman si Paul George.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?