102

Jun 22, 2018 @ 16:26
By

Usurpation case vs Noynoy, Abad pa-consuelo de bobo lang – Panelo

Tinawag ng abugado ng Malacañang na “consuelo de bobo” ang kasong inirekomenda ng Ombudsman laban kina dating Pangulong Benigno Aquino III at dating Budget secretary Florencio Abad.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel secretary Salvador Panelo na sa halip usurpation of legalislative powers, dapat plunder o graft and corruption ang ikinaso kina Pnoy at Abad dahil P36 billion na pera ng taongbayan ang sangkot dito.

Mismo aniyang ang Korte Suprema ang nagsabing labag sa Konstitusyon ang Disbursement Acceleration Program (DAP) .

“The charge is but a consuelo de bobo indictment. Given that it involves Php36 billion of the people’s money with the Supreme Court no less declaring that the disbursement was in violation of the Constitution, the crime charge should have been plunder or at the very least a case of graft and corruption,” ani Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na malinaw ang discrepancy at pareho lamang sa unang kasong isinampa laban kay Pnoy kaugnay naman sa Mamasapano incident.

“There is a glaring discrepancy of the act committed as against the complaint filed. The present charge against the former President is a repeat of the anomalous previous charge against him arising out of the Mamasapano incident where instead of being charged with Reckless Imprudence Resulting To Multiple Homecide, only a Usurpation of Authority was filed,” dagdag pa ni Panelo.

Pero sa kabila nito naniniwala ang kalihim na makakamit din ang katarungan kahit gaano pa kabagal ito at mapaparusahan ang may sala.

Sinabi ni Panelo na walang nakakalusot sa batas at pagbabayaran ito kahit ano pa ang katayuan sa buhay.

“While sometime the wheels of justice grinds exceedingly slow, it does grind, and in the end justice will catch up on the perpetrators of the crime and reap their deserved punishment. Crime does not pay no matter your status in life,” ang dagdag na pahayag ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?