128
UST, West Visayas State U grads nanguna sa physician licensure exam
By

UST, West Visayas State U grads nanguna sa physician licensure exam

Nasa 1,209 sa 1,579 ang pumasa sa Physician Licensure Exam ngayong buwan.

Naghari sa pagsusulit sina Jan Bendric Co Borbe ng University of Santo Tomas at Clinton Rosita Rabadon ng West Visayas State University-La Paz na kapwa may rating na 89.83%.

Pumangalawa sa kanila si Kevindaeile Simbulan Torralba ng Our Lady of Fatima University-Valenzuela sa 88.92%.

Pasok naman sa Top 3 si Daniel Cajayon Panaglima ng Matias H. Aznar Memorial College of Medicine, Inc.

Top performing school naman ang Far Eastern University-Nicanor Reyes Medical Foundation sa 97.96 percent passing rate.

Samantala, tingnan sa link ang listahan ng mga nakapasa sa Physician Licensure Examination na isinagawa noong Marso 3, 2019:

https://www.prcboard.com/2019/03/List-of-Passers-Physician-Board-Exam-Results-March-2019.html

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?