109

Nov 6, 2017 @ 13:24

UST walang clear guidelines sa accreditation ng school organizations

Binatikos ni Senador Juan Miguel Zubiri ang pamunuaan ng University of Santo Tomas (UST) dahil sa kawalan ng malinaw na guidelines sa accreditation ng orginasayon sa unibersidad.

Sa ikatlong pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs sa kaso na pagpatay kay Horatio “Atio” Castillo , may problema aniya sa polisiya ng pagtanggap ng mga organisasyon sa UST.

“There seems to be a problem with UST when it comes to their organizations. The reason I’m raising this is if the students knew the status of the fraternity baka hindi na napa-recruit si Atio Castillo,” pahayag ni Zubiri.

“Because if you’re not recognized or you’re suspended, alam po ng estudyante na may problema ang organization at hindi na sasali.

At dahil nga sa inaction ninyo na magpalabas ng notice, si Atio sumali sa inyong frat thinking it was duly recognized, registered and accredited fraternity,” dagdag pa nito.

Sabi pa ni Zubiri, maiiwasan sana ang pag-recruit at kamatayan ni Casitlo kung mayroon lamang malinaw na polisiya na magsasabi kung anong organisasyon o fraternity ang nire-recognize ng unibersidad.. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?