48

By

UST, PLM, nanguna sa physical, occupational therapist licensure exams

Inanunsyo na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng Physical at Occupational Therapist Licensure Exams ngayong Miyerkoles, Agosto 14.

833 sa 1,290 examinees ang pumasa sa Physical Therapist Licensure Examination, habang 213 naman sa 298 examinees sa Occupational Therapist Licensure Examination.

Tinanghal na top performing school sa Physical Therapist Licensure Examination ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila kung saan pumasa lahat ng 56 nilang examinees (100% passing rate), samantalang Unibersidad ng Santo Tomas naman ang nanguna sa Occupational Therapist licensure exam na may 74 sa 78 examinees na pumasa (passing rate na 94.87%).

Nanguna si Alexis Bernardo Temblique ng Our Lady of Fatima University – Valenzuela sa Physical Therapist Licensure Exam, habang nanguna naman si Samantha Nicole Tongol Santiago ng Angeles University Foundation sa Occupational Therapist Licensure Exam.

Makikita ang resulta ng mga exam dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?