27

By

UST, NU magsasakmalan sa pagbubukas ng UAAP Season 81

Sharing is caring!

Ang University of Santo Tomas Growling Tigers at ang National University Bulldogs ang maghaharap sa unang araw ng UAAP Season 81 sa Setyembre 8 sa Mall of Asia Arena.

Kaabang-abang ang salpukan dahil ito ang unang laban ng Growling Tigers sa UAAP sa ilalim ng pamumuno ni Aldin Ayo.

Naibigay ni Ayo ang kampeonato sa Collegio de San Juan de Letran noong 2015 upang tapusin ang limang sunod na paghahari ng San Beda Red Lions.

Noong sumunod na taon, naiuwi naman ni Ayo ang tropeo sa UAAP kasama ang De La Salle Green Archers.

Matapos matalo sa finals ang Green Archers noong nakaraang season, lumipat si Ayo sa UST.

Opisyal na magbubukas ang UAAP Season 81 sa alas-12:00 ng tanghali.

Pagkatapos ay maghaharap naman ang University of the Philippines Fighting Maroons at University of the East Red Warriors sa alas-dos ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?