105
UST legend Ging Balse, tiwala kina Rondina, Laure
May 13, 2019 @ 15:34
By

UST legend Ging Balse, tiwala kina Rondina, Laure

Kuha na ‘yan!

Kumpiyansa si legendary UST player Ging Balse-Pabayo na maiuuwi ng Golden Tigresses ang korona pabalik sa España sa tandem nina MVP Sisi Rondina at Rookie of the Year Eya Laure.

Nakikita rin nito ang sarili kay Laure.

“Ako, nakikita ko ang sarili ko kay Eya, nung time na ‘yun kasi injured din ang right knee ko pero nag-champion kami. Ngayon, nakikita mo kay Eya na pinu-push pa rin niya kahit na masakit ang tuhod niya. Lumalaban pa din siya para sa team,” kwento ni Balse-Pabayo.

Maging si legendary coach August Santamaria ay nanood rin nang live para suportahan ang UST squad.

“Lahat ng alumni, lalo na si boss August Santamaria nandyan, ‘yung pagpunta lang ni coach August ngayon, malaking impact na ‘yun sa team. Na-boost ‘yung morale nila na kaya nilang manalo. Positive talaga,” saad pa ng former team captain ng Uste.

Pero hindi pa tapos ang laban dahil kailangan pang maipanalo ng UST volleybelles ang Game 2 ng best-of-three finals series na gaganapin sa Mayo 15.

“Game 2, manonood kami,” wika pa ng 35-year-old former Tigress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?