28

Oct 9, 2017 @ 16:50

UST law dean kinasuhan ng libel si Kapunan

Sinampahan ng dalawang magkahiwalay na kasong libelo ng ni University of Santo Tomas (UST) Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina ang abugadong si Lorna Kapunan dahil sa mga akusasyon nito laban sa kanya may kaugnayan sa disbarment complaint na isinampa may kaugnayan sa pagkamatay ng Hazing victim na si Horacio Castillo III.

Hiniling ni Divina sa Manila Prosecutors Office at Quezon City Prosecutors Office na bayaran siya ni Kapunan ng danyos na nagkakahalaga ng P120 milyong pesos.

Sa unang reklamong isinampa ni Divina sa piskalya sa Maynila, inakusahan nito si Kapunan at Patricia Bautista ng pagsira sa kanyang reputasyon.

Ito’y nang ilathala ng mga ito ang isinampang disbarment laban sa kanya sa Korte Suprema noong ika-25 ng Setyembre dahil sa mga alegasyon na binayaran niya ng komisyon ang dating asawa ni  Patricia na si Comelec Chair Andres Bautista.

Nilabag din umano ni Kapunan at Patricia Bautista ang “confidential nature ng disbarment proceedings nang kanilang ibunyag sa media ang mga kasinungalingang alegasyon sa reklamo para siya ay matanggalan ng lisensiya sa pagka-abugado.

Samantala, sa pangalawang reklamo naman na isinampa sa piskalya sa QC, kinastigo ni Divina si Kapunan nang palabasin nito na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Castillo sa pamamagitan ng initiation rites ng Aegis Juris Fraternity noong ika-17 ng Setyembre.

Sabi ni Divina, nais kasi palabasin ni Kapunan  sa publiko na nilabag niya ang Anti-Hazing Law o Presidential Decree 1829. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?