7

Aug 26, 2020 @ 19:01

UST ipinatigil ang Sorsogon training

IPINAHINTO na ng University of Santo Tomas ang training bubble ng Growling Tigers men’s basketball team sa Sorsogon.

Ayon sa ulat ng The Varsitarian, campus publication ng USTe, “ipinatigil na ng UST ang Sorsogon bubble na nagmitsa ng biglaang paglipat ng Growling Tigers team captain na si CJ Cansino sa UP Fighting Maroons, ayon sa source na ayaw magpabanggit ng pangalan.”

Dagdag pa rito, tinipon rin umano ni head coach Aldin Ayo ang koponan at inaasahang babalik sa Maynila, Miyerkoles.

Naging usap-usapan ang Sorsogon bubble ng Growling Tigers nang iwan kamakailan ni collegiate star CJ Cansino ang kampo at umanib sa UP Fighting Maroons.

Samantala, nahaharap naman sa patong-patong na imbestigasyon ang nasabing training camp. (JAT)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?