growling-tigers

UST hinablot ang UAAP Season 80 overall championship

Sharing is caring!

Muli na namang nangibabaw ang University of Santo Tomas sa UAAP Season 80 matapos angkinin ang kanilang 42nd general championship.

Dinomina ng Growling Tigers ang season matapos makapagtipon ng 284 puntos, 14 na puntos na lamang sa runner-up na La Salle na nakapagtala ng 269 puntos.

Nakalikom ang ang UST ng anim na golds, pitong silvers at tatlong bronze medal para mahablot ang kampeonato sa ikatlong sunod na taon.

Pumangatlo ang University of the Philippines na may 234 puntos, habang pang-apat ang Ateneo na may 230 puntos.

Panglima ang National University na may 179 puntos habang pang-anim ang University of the East (168 puntos), Far Eastern University (151 puntos) at Adamson (101 puntos).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?