225

Sep 28, 2019 @ 18:13
By

UST guard Abando bangas ang ngipin kontra La Salle

Matapos matalo ang UST Growling Tigers kontra DLSU Green Archers, 77-92, Sabado sa UAAP Season 82 men’s basketball action sa Mall of Asia Arena, hindi napigilan ni coach Aldin Ayo na sisihin ang kanyang sarili.

“I think that’s my fault,” ani UST coach Ayo. “Mali ng mga coaching staff ‘yun adjustment dun sa in-game adjustments but the players played well. ‘Yung mga ganitong talo walang ibang sisisihin kundi dapat ang coaches. “

Minalas pang matanggalan ng ngipin si UST guard Rhenz Abando nang sumalaksak ito sa basket sa huling 1:56 segundo ng 3rd quarter nang sumabit ang kamay ni Jamie Malonzo sa kanyang bibig.

“Okay naman, okay naman,” pahayag ni coach Ayo sa kalagayan ni Rhenz. “Well naaksidente yung bata eh kailangang ilabas.”

“Actually ayokong ilabas kasi magfe-free throw siya. Makukuha niya ‘yung rhythm niya pero breaks of the game na he has to go out tapos nawala ‘yung momentum niya,” panghihinayang ni coach sa pagkaalis ni Rhenz sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?