28

By

UST grad nanguna sa nurse licensure exam

Sharing is caring!

Inanunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes na 4,811 sa 12,033 examinees ang nakapasa sa Nurse Licensure Examination noong Nobyembre 2018 sa iba’t ibang siyudad sa bansa.

Nanguna sa board examination si Jennifer Jacob Quirante, na mula sa University of Santo Tomas (UST), sa rating nitong 87.80 percent.

Sinundan siya ni Kathryn Angelie Agustin Bugho ng Remedios T. Romualdez Medical Foundation sa 86.80 percent.

Ikatlo si Robert Lacayanga Mejia na mula naman sa University of the Philippines-Manila sa 86.40 percent.

Ang UST din ang tinanghal na top performing school ngayong taon sa passing rate nito na 100 percent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?