145
UST Golden Tigresses nagbago ng hairstyle para kay Alessandrini
Mar 6, 2019 @ 20:22
By

UST Golden Tigresses nagbago ng hairstyle para kay Alessandrini

Bilang pagsuporta sa nadisgrasyang player ng UST na si Milena Alessandrini, nagpabago ng hairstyle ang buong UST Golden Tigresses.

At tila naging epektibo naman ito matapos makalusot ng Uste sa powerhouse team na De La Salle Lady Spikers, 25-20, 25-22, 25-17, sa aksyon sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Sa mga tweet ni Benggadora, makikita ang todo-suporta ng koponan kay Alessandrini na magagarahe ngayong season dahil sa ACL injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?