159
UST coach Reyes igagarahe si Alessandrini
Mar 6, 2019 @ 18:21
By

UST coach Reyes igagarahe si Alessandrini

Nais nang pagpahingahin ni UST coach Kungfu Reyes sa kabuuan ng UAAP Season 81 ang player niyang si Milena Alessandrini matapos ang final diagnosis ditto na partial ACL tear, Grade 3 sprain ng MCL (medial collateral ligament) at LCL (lateral collateral ligament).

“Two weeks na ita-try i-rehab kung maganda progress pwedeng ilaro pero sa papel pwedeng ilaro,” kwento ni Reyes.

Sasailalim sa two-week rehab si Alessandrini sa rekomendasyon ng mga doktor at aalamin pa kung kakayanin nitong maglaro na may knee support o kakailanganin nang operahan.

“Of course, ia-assess pa rin namin, hindi namin isusugal si Milena na just for the sake manalo or makapaglaro. Masisira ‘yung bata so hindi naman kami ganun ka-ignorante na isugal kung ano meron,” saad pa ni Reyes.

“Kahit na ano, kahit sabihing ma-stabilize within two weeks, lumakas, may mental baggage. Definitely, hindi rin makakapag-perform. Much better na, at my end, hindi ko na siya palalaruin, sit out na.”

Malaking kawalan para sa Uste ang pagka-injure nang Fil-Italian open spiker dahil nagtatala ito ng 15 points kada laro.

“Again sana gumaling agad (si Milena). ‘Yun ang importante. As of now medyo pahinga na,” lahad ni Reyes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?