139

Mar 6, 2020 @ 18:47
By

UST Angelicum College binulabog ng bomb threat

Kinansela ang mga klase sa UST Angelicum College sa Quezon City ngayong Biyernes dahil sa bomb scare.

Inanunsiyo ito ng pamunuan ng paaralan online kaninang umaga, Marso 6, 2020.

“For safety precautions, UST Angelicum College will be suspending classes today, March 6, 2020 due to a reported bomb threat,” wika ng kolehiyo.

“Please fetch your children as soon as possible at the Santo Domingo Church,” hayag pa nito.

Sabi ng mga awtoridad, kumalat ang bomb threat sa social media at sa text message.

Gayunman, walang nakitang bomba ang QCPD Bomb Squad sa naturang paaralan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?