189

Dec 27, 2018 @ 22:26
By

‘Usman’ nagbabanta sa Eastern Visayas, 20 lugar isinailalim sa Signal No. 1

Patuloy umanong makararanas ng bahagya hanggang sa malakas na pag-ulan ang Bicol Region, Eastern Visayas at Dinagat Islands, Huwebes ng gabi.

Ayon sa 8:00 pm weather advisory ng PAGASA, patuloy ang paggalaw ng bagyo patungong Eastern Visayas sa bilis na 10 kph.

Huli itong namataan sa layong 365 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Napanatili nito ang lakas ng hangin na 55 kph at pagbugsong 65 kph.

Inaasahang magiging Tropical Storm si Usman pagbagsak nito sa kalupaan ng Eastern Samar sa Biyernes ng hapon.

Bunga nito, isinailalim sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:

– Southern Quezon

– Marinduque

– Romblon

– Catanduanes

– Camarines Sur

– Albay

– Sorsogon

– Masbate kabilang na ang Ticao at Burias Islands

– Eastern Samar

– Northern Samar

– Samar

– Biliran

– Leyte

– Southern Leyte

– Northern Cebu kabilang ang Camotes Islands

– Aklan

– Capiz

– Northern Iloilo

– Northern Negros Occidental

– Dinagat Island

Samantala, posible rin umanong ilagay sa Signal No. 1 ang Camarines Norte, Oriental Mindoro, Antique, Iloilo at Guimaras sa susunod na mga oras.

Sa Biyernes, makakaranas ng bahagya hanggang sa malakas na pag-ulan ang Visayas, Bicol Region, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon at Quezon.

Inaasahan namang lalabas ng bansa ang bagyo Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?