248
views

By

Usec Say, bumitaw na sa DOLE

Sharing is caring!

Nagbitiw na sa puwesto si Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Dominador Say.

Kinumpirma ni Say na nagsumite na siya ng kanyang resignation letter kay Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Martes at ito ay naibigay na sa Office of the Executive Secretary.

Ayon kay Say, minabuti niyang magbitiw para iligtas ang kagawaran sa mga kritisismo dahil sa pagiging pro-management umano niya sa harap ng pagsisikap ng administrasyon na wakasan ang kontraktuwalisasyon.

Sinabi ng opisyal na dalawang beses na niyang tinangka na magbitiw sa DOLE, una noong nakaraang Enero at pangalawa noong Marso pero hindi siya pinayagan ni Bello.

Naniniwala si Say na lalo lamang maaantala ang pagsisikap ng DOLE na ma-regular ang 300,000 empleyado kung mananatili siya sa ahensya.

Balak ni Say na magbalik sa kanyang dating karera sa management law.

Nagsilbi si Say bilang undersecretary for employment and policy support ng DOLE mula October 2016 at responsable sa pagbabawal sa sapilitang pagpapa-suot ng mataas na takong sa mga kakabaihang empleyado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?