89

May 26, 2019 @ 14:54
By

Usec ng DBM sinipa ni Digong sa mukha

Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na minsan ay sinipa niya ang undersecretary ng Department of Budget and Management (DBM) dahil sa korapsyon.

“Ang — ang Undersecretary ng Budget sinipa ko sa mukha. Ako lang ang presidenteng nagbubugbog ng tao. Corruption. Dito ako — kaya ako galit eh. Oo, basta corruption,l” saad ni Duterte sa naganap na thanksgiving party ni Bong Go sa Davao City nitong Mayo 23.

Hindi man pinangalanan ni Duterte kung sino ang naturang Underscretary, matatandaang sinibak nito sa pwesto si DBM Undersecretary Gertrudes De Leon noong 2017.

“I just fired the undersecretary of DBM, Office of the Budget. He was lucky because there were so many people. I wanted to slap him. I even stood up to — I wanted to kick him on the face. I fired him for corruption,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?