78

Nov 6, 2017 @ 17:45
By

Usec. Abella ‘waiting’ pa rin sa bagong appointment

Opisyal ng nagpaalam sa Malacanang Press Corps si dating Presidential Spokesman Ernesto Abella matapos itong palitan ni Atty. Harry Roque.

Sorpresang nagpakita si Abella sa mga miyembro ng MPC kahapon matapos ang mahigit isang linggo na hindi nito pagpapakita sa Palasyo.

Huling nakita si Abella noong October 26 sa kanyang regular press briefing.

Ayon kay Abella, iliipat siya sa ibang puwesto pero hindi pa niya maaaring sabihin dahil hinihintay pa nito ang kanyang bagong appointment.

Pero ipinahiwatig ni Abella, wala sa alinmang tanggapan sa Malacanang ang pupuntahan nito kundi ibang departamento pero nasa linya pa rin ng komunikasyon.

“I can’t tell you yet. I’m still waiting for the papers,” ang maiksing pahayag ni Abella.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?