76

Apr 14, 2021 @ 10:12
By

‘Usad-pagong pa rin! Gobyerno ‘di natuto sa pamimigay ng ayuda’

Para kay House Minority Leader Joseph Stephen “Caraps” Paduano, malinaw na hindi pa rin natuto ang gobyerno sa naging leksyon at karanasan nito sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) noong nakaraang taon.

Ayon sa kongresista, ang usad pagong noon na pamimigay ng ayuda na umani ng maraming reklamo at pagpuna ay wala pa ring pagbabago o anumang ginawang maayos na sistema upang mapabilis ito at hindi matulad noong nakaraang taon.

“Last year’s experience should have taught them lessons how to avoid delays in the distribution of the cash assistance. They have never learned ,” giit ni Paduano

Idiniin nito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units na Dapat umano natuto at nagkatoon na ng mas epektibong sistema sa pamamahagi ng tulong base na rin sa naging karanasan noong nakaraang taon.

Hindi niya umano lubos na maunawaaan kung bakit kailangan mangyari uli ang ganitong magulo at walang sistemang pamimigay ng tulong sa mga pamilyang Lubang naapektuhan ng pandemia.

“Gutom na ang tao ngunit pahirapan pa rin ang pagkuha ng ayuda kaya normal lang na marami ang magrereklamo,” giit ng Solon.

Dagdag ng Solon, ang pagtatag ng grievance committee ng DSWD para sa pagtanggap ng mga reklamko ng mga benepisyaryo ay hindi umano palusot ng kanilang malinaw na kapalpkan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?