34

Jul 14, 2021 @ 10:29
By

USA sinungkit unang panalo vs Argentina

Natapos na rin ang two-game losing streak ng Team USA matapos tambakan ang Argentina, 108-80, nitong Miyerkoles, oras sa Pilipinas.

Sa first quarter ay nagpakitang-gilas agad ang USA, nakakuha ng 33-19 abante papasok ng second canto.

Second half ay nagtulong-tulong sina Kevin Durant, Bradley Beal, Damian Lillard at Bam Adebayo para itarak ang 19 point lead at tuluyang pabagsakin ang Argentine squad.

Limang manlalaro sa Team USA ang umiskor ng double figures, nanguna pa rin sina Durant at Beal na pareho ng statline na may tig-17 points, six rebounds at tatlong assists.

Ito ang kauna-unahang panalo ng USA sa exhibition game bilang paghahanda sa Tokyo Olympics, dati nang tinalo ng Nigeria at Australia.

Samantala, si Luis Scola naman ang bumuhat sa Argentina, kumolekta ng 16 boards at limang rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?