40

Jul 19, 2021 @ 13:49
By

USA pinataob Spain sa exhibition game

Nagpakitang-gilas sa una niyang laro sa team USA ang bagitong si Keldon Johnson upang tulungan ang koponan na mailusot ang 83-76 na panalo kontra Spain sa kanilang huling exhibition match bago ang Olympics.

Sinorpresa ni Johnson ang lahat sa kanyang 15 points, walo rito ay ginawa sa gitna ng 23-6 run ng mga Amerikano sa second half na naging diperensya para sa kanilang panalo.

Ang magandang laro ni Johnson ay sumuporta sa 19 points ni Damian Lillard.

Si Johnson ay kapapasok lamang sa lineup, kasama si Javale McGee, matapos magtamo ng calf injury si Kevin Love at magpositibo sa COVID si Bradley Beal.

Nanguna naman para sa Spain si Ricky Rubio na umiskor ng 23 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,