19

Jan 9, 2021 @ 13:29
By

USA nakapagtala ng halos 290k kaso ng Covid-19 sa 1 araw

Pumalo sa halos 290,000 ang naitalang mga kaso na nagpositibo sa Covid-19 sa loob lamang ng 24 oras sa Estados Unidos nito lamang Biyernes.

Ayon ito sa isang real-time tally ng Johns Hopkins University.

Ayon sa ulat, nadagdagan din ng 3,676 ang mga nasawi dahil sa virus.

Estados Unidos ang may pinakamaraming residenteng tinamaan ng Covid-19 sa buong mundo na pumalo na sa 21.84 milyon. (VAPA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?