18

Jun 4, 2021 @ 13:12
By

USA kinumpirma na: ‘Pinas bubuhusan ng bakuna

Inanunsyo ng White House na kasama ang Pilipinas sa makatatanggap ng donasyon na bakuna mula sa kanilang bansa.

Ito’y ayon sa pahayag ng United States Embassy sa Maynila.

“The President’s been very clear on the US commitment to help countries throughout the world on this. We’re going to be seeing vaccines in significant numbers arriving in the Philippines and countries all around the world,” ayon kay Embassy Chargé d’Affaires John Law.

Inaasahan na kaagad na maipadadala ang mga bakuna sa bansa, ngunit wala pang eksaktong petsa sa pag-deliver nito.

“The White House is currently looking at not only the logistical aspects but also, of course, each country may have different regulatory aspects, we’re talking about different as well,” paliwanag pa ni Law.

Ang mga donasyong bakuna ay ibibigay sa pamamagitan ng COVAX Facility ng World Health Organization.

19 milyong dose ng bakuna ang ibibigay ng USA sa COVAX Facility, habang six million naman ay direktang ibibigay sa iba pang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?