1,743

Aug 5, 2021 @ 14:16
By

Usa hinabol ng pating sa N. Samar

Kakaibang eksena ang namataan ng mga mangingisda sa Lapinig, Northern Samar. Naispatan kasi nila ang isang endangered Philippine deer, o busgok, na hinahabol ng dalawang pating.

Ayon sa ulat, nakita ng dalawang mangingisda ang usa na lumalangoy sa may baybayin ng naturang probinsya.

“Nakita siya sa unahan pa ng isang maliit na island (Canawayon Island) about 4 kms from the Poblacion. Paglapit nila may nakasunod sa deer na dalawang pating,” kuwento ni Dennis Ariño, opisyal mula Conservation and Development Section of the Community Environment and Natural Resources ng Pambujan, Northern Samar.

Aniya, pagod na ang usa nang makita nila ito at may patse-patse na ng sugat.

Hinala nila, maaaring nakatakas lang ang usa sa mga pating.

Hula naman ng ibang awtoridad, maaaring resulta ito ng migration na siyang dulot ng climate change.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng “Adopt a Wildlife Program” ang endangered na usa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,