136
delfin-lorenzana
By

US warships, aircrafts pinapasok sa PH para rescue ops

Sharing is caring!

PINAYAGAN ang mga pagpasok ng mga rescue ships at aircrafts ng US military sa all out search and rescue operations para sa nawawalang US Marine commando sa Sulu Sea.

Ibinahagi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na wala pa silang natanggap na bagong impormasyon ukol sa nawawalang US marine na sakay ng USD Essex.

Nabatid ang barkong pandigma ng Amerika ay nagsasagawa ng routine operations sa Sulu Sea nang mahulog diumano sa dagat ang sundalong Amerikano.

Sinabi ni Lorenzana na pinagbigyan nila ang hiling ng US na magpasok ng kanilang mga rescue assets para hanapin ang nawawala nilang sundalo.

Ang mawawalang US marine ay miyembro ng 13th Marine Expeditionary Unit at gabi ng Huwebes ng mapa ulat ang pagkawala nito.

Sinabi naman ni AFP Wesmincom commander. Lt Gen Arnel dela Vega agad din silang nagsagawa ng search and rescue missions nang ipaalam sa kanila ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?