66

By

US tinitiktikan ang mga Chinese sa WPS?

May pinakamaraming bilang ng Chinese fishing vessel ang namataan sa West Philippine Sea (WPS), batay sa inilabas na datos ng Department of National Defense.

Pinaniniwalaang mga asset ito ng Chinese Maritime Militia (CMM) para suportahan ang Chinese naval at coast guard operations sa pinag-aagawang karagatan.

Sa unang bahagi ng 2019, kabuuang 322 CMM vessels na ang namonitor, 300 sa mga ito ay naispatan sa Pag-asa Island.

Samantala, namataan din sa lugar ang US Navy ships na tila sinusundan ang mga Chinese vessel habang patungo sila sa WPS.

Nakita sa litrato na kuha noong Hunyo 17, 2019 ang pagdating ng Liaoning kasama ang dalawang Jiangkai II-class guided-missile frigates ng China at ang tila “shadowing operations” ng US Navy guided-missile destroyer USS William P Lawrence (DDG 110).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?