31
abante-tnt-vismin-john-mccain
Aug 27, 2018 @ 13:48
By

US Sen. McCain, bayani ng Pinoy veterans – Lorenzana

Kasabay ng paggunita ngayon sa bansa ng Araw ng mga Bayani, kinilala ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang kabutihan at malaking naitulong ng namayapang US senator na si John McCain sa mga beteranong Filipino.

Isinalarawan ni Lorenzana si McCain bilang tunay at tapat na kaibigan ng Pilipinas at ng mga Filipino.

Sinabi ng kalihim na si McCain ang tunay na nakipaglaban sa US Congress para mabigyan ng sapat na pagkilala sa sakripisyo ng mga sundalong Filipino na nakipaglaban sa ilalim ng puwersa ng Amerika noong World War II.

Inalala ni Lorenzana na ilang ulit niyang nakatrabaho sa US Congress si McCain noong siya ay nanilbihan bilang Philippine Defense attache at Veterans Affairs Representative ng Philippine Embassy sa US mula 2002 hanggang 2016.

“Together with Senator Daniel Inouye and Senator Daniel Akaka, he (McCain) played an important role in securing US government recognition for our aging veterans,” ani Lorenzana.

Noong 2012 bumisita pa sa bansa si McCain kasama ang apat pang US senators at nakipagpulong sila kay noo’y Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa iba’t ibang isyu, partikular na ang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Namatay kahapon ang 81-anyos na US senator at beterano ng Vietnam War dahil sa brain cancer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?