37

Aug 6, 2022 @ 9:46
By

US Sec. Of State Blinken bumisita sa Pinas

Bumisita sa Pilipinas si United States (US) Secretary of State Antony Blinken nitong Biyernes.

Ito ang kauna-unahang pagpunta ni Blinken sa bansa.

Sinalubong siya sa Villamor Airbase nina Department of Foreign Affairs (DFA) Chief of Protocol Fred Santos at Office of American Affairs Assistant Secretary JV Chan-Gonzaga.

Ngayong Sabado ay dumating siya sa Malacañang para makaharap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nakatakdang magkaroon ng pulong kasama si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?