14

Sep 18, 2021 @ 14:53
By

US Open: Biado, Orcollo ratsada sa semis

Umabante sa semifinals ng 2021 US Open Pool Championship sina Denis Orcollo at Carlo Biado.

Pinataob ni Orcollo si Mario He ng Austria, 11-6, sa round-of-16 bago daigin ang isa pang taga-Austria na si Max Lechner, 11-7, sa quarterfinals.

Samantala, parehong makapanindig-balahibong 11-10 panalo ang ibinulsa ni Biado kontra kay David Alcalde Bermudez sa round-of-16 at sa kababayang si Johann Chua sa quarterfinals.

Sunod na makakalaban ni Orcollo si Aloysius Yapp ng Singapore sa semifinals habang si Naoyuki Oi ng Japan ang naghihintay kay Biado.

At dahil nasa magkahiwalay na bracket, sakaling magwagi ang dalawa ay sila ang maghaharap sa isang all-Filipino finals.

Nakataya sa torneo ang $50,000 (P2.5 milyon).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?