11
alert1
By

US naglabas ng measles alert sa PH

Sharing is caring!

Nag-abiso ang US Embassy sa Maynila ng health alert kaugnay sa outbreak ng tigdas sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Sa pahayag ng embahada, pinatitiyak sa mga US citizen na narito sa bansa at ang papunta sa Pilipinas na tiyakin na may bakuna sila kontra tigdas na MMR vaccine.

Pinaiiwas din sila sa mga tao na may sakit at pinabibisita sa webpage ng Center for Disease Control at pinababasa ang artikulong Measles in the Philippines.

Dapat din na alam ang mga paraan para maiwasan ang tigdas at kung ano ang maaaring gawin kapag taglay na ang naturang sakit.

Ang health alert ay nag-ugat sa pahayag ng mga opisyal ng Department of Health.

Una nang nagdeklara ng measles outbreak sa ilang lungsod at bayan sa Negros Oriental; isang barangay sa Taguig; Zamboanga City at Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?