55

Apr 22, 2020 @ 17:22
By

US nagdagdag ng P269M na tulong sa PH

Aprubado na ang dagdag na P269 milyong health at humanitarian assistance ng Amerika sa Pilipinas laban sa COVID-19.

Ito’y matapos makapag-usap noong Abril 19 sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump tungkol sa bilateral cooperation sa coronavirus response.

Gagamitin ang milyong donasyon ng US para sa laboratory at specimen-transport system maging sa mga health professional, ayon sa US Embassy sa Manila.

Nauna nang nakapag-donate ang US ng P203 milyon sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?