83

US mabenta sa mga Pinoy, China lagapak – Pulse Asia

Nanatili pa rin ang Amerika bilang bansa na pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy, base sa inilabas na bagong survey ng Pulse Asia nitong Lunes.

Sa poll, makikitang umakyat ng lima puntos ang rating ng mga Pinoy na nagtitiwala sa US, naitarak sa 84 percent sa survey na isinagawa noong Disyembre 14 hanggang 21 noong nakaraang taon.

16 percent lang ang hindi nagtitiwala sa US, 13 porsyento sa ‘not too much trust’, 2 porsyento sa ‘no trust at all’ at 1 porsyento sa mga hindi sumagot.

Tinitingnang anggulo sa biglang pag-akyat ng trust rating sa US ay ang pagkakasauli ng Balangiga bells sa bansa noong Disyembre.

Samantala ang China naman, na malapit sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay nanatiling bagsak ang trust rating pagdating sa mga Pinoy.

60 percent ang hindi nagtitiwala sa nasabing bansa, 39 percent naman ang tiwala dito, pumangalawa ang Russia sa baba, isa rin sa mga pinapalakas ang relasyon ng administrasyon.

Samantala, Japan ang nasa ikalawang pwesto sa trust rating sa 75 percent, sinundan ng Australia sa 72 percent at United Kingdom na may 57 percent. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?