9
sung-kim1
By

US gov’t, ‘wait and see’ pa sa NoKor-SoKor peace deal

Sharing is caring!

Hindi pa kuntento ang pamahalaang Amerika sa pagkakamayan ng mga lider ng South Korea at North Korea.

Sinabi ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na maganda ang pangyayari pero umaantabay pa sila kung talagang mauuwi ito sa denuclearization ng North Korea.

Idiniin na ang pagbasura sa nuclear program ng North Korea ang mithiin ngayon.

“Like everybody else, we are cautiously encouraged by the recent developments. We still have to wait and see whether recent developments will translate into sustained serious committed effort towards denuclearization because I think we all agree that the ultimate goal is complete denuclearization,” ayon kay Kim.

Idiniin naman na positibo ang pagkakasundo ngayon ng dalawang Korea.

“I think it is too early to make definitive judgement but to the extent that the two Koreas and the United States, to that extent that there is serious diplomatic effort, I think that is quite positive,” dagdag ng ambassador.

Kinumpirma naman nito na nagkaroon ng papel ang pamahalaang US sa paghusay ngayon ng pag-uusap ng North Korea at South Korea, gaya na rin ng sinabi ni US President Donald Trump.

Nanguna umano ang pamahalaang Amerika sa pagkalampag sa North Korea na itigil na ang nuclear program nito.

“With regards to the US role, again I think there’s very strong consensus that it was the maximum pressure campaign that has led to North Koreans to reach out for diplomacy. And as you know the US was very much the driver on the global maximum pressure campaign,” pahayag ni Kim.

Matatandaan na matapos makipagkamay at makipagyakapan kay South Korean President Moon Jae-in, nangako si North Korean Leader Kim Jong-un na sasarhan na ang kanilang nuclear test site at pasasaksihan pa ito sa mga eksperto at media ng South Korea at US.

“So I think it’s important that even as we diligently, vigorously pursue diplomatic opportunities that we work with the international community to maintain the pressure campaign because until we actually see concrete progress, we should not relax,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?