missile1

US, France, UK binomba na ang Syria

Sharing is caring!

Nitong Biyernes inihayag ni President Donald Trump na nag-utos na siya ng pag-atake sa Syria bilang tugon sa chemical weapons attack noong nakaraang linggo.

“I ordered the United States armed forces to launch precision strikes on targets associated with the chemical weapon capabilities of Syrian dictator of Bashar al-Assad,” ani Trump sa White House Diplomatic Reception Room.

Ayon sa ulat ng CNN, nakarinig umano ang mga saksi ng malakas na pagsabog sa kabisera na Damascus.

Ginamit sa giyera ang US aircraft kabilang na ang B-1 bombers at ships, ayon sa US defense officials.

Ani Trump, ginawa niya ang desisyon para aksiyonan na ang naging hakbang ni Syrian President Bashar al-Assad laban sa sarili niyang mamamayan at tinawag pa nitong gawa ito ng “halimaw”.

Umabot na sa 500,000 ang namatay sa civil war sa Syria habang naging refugees ang milyong iba pa.

Kasama umano ng Amerika sa pag-atake ang France at United Kingdom para na rin sa kampanya na labanan ang produksiyon, paglaganap at paggamit ng chemical weapons.

Magpapatuloy umano ang opensiba sa Syria hangga’t hindi hinihinto ng rehimen nito ang paggamit ng chemical weapons.

“We are prepared to sustain this response until the Syrian regime stops its use of prohibited chemical agents,” ani Trump.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?